Tuesday, January 24, 2012

What type of Nurse are you?

(Dahil isa akong nurse, maganda lang naman siguro kung magpost ako ng something sa field ko diba) 

Sa mundo ni Madam Nightingale, Iba't ibang Nurse ang ating nakakasama sa isang shift o duty. Alamin at hanapin ang mga possibleng itawag sa ugali ng mga co-nurses mo at malay mo makita mo din ang pedeng itawag sayo!


  • Elisa/Nemo: Gaya nila Elisa at Nemo na laging nawawala at hinahanap, ang mga nurse sa kategoryang ito ay wit makita at dumi-disappear bigla tuwing toxic, may bagong admission, incoming na pasyente, at huling lumalabas sa break room tuwing endorsement. Sila ang record holder ng may  pinakamababang bilang ng pasyente kada shift.
  • Bibong-Bong-Bong: Ito ang mga nurse na kumakatawan sa salitang ACTIVE at ayaw paawat sa pagkilos habang nakaduty. Sila ung mga tipong ginagawang candy ang "Extrajoss" at swero ang "Cobra" sa sobrang hyper nila. Laging "bongga" kung magasikaso ng pasyente at kulang na lang gumawa ng duyan at ipaghele ang mga toh'. Minsan aakalain mong toxic sya, un pala magsusukat lang ng wiwi sa foley ng pasyente niya. Kuya at ate, Kalma lang kasi!
  • Nurse Dokie: Ang mga nurse na nakalimutan ata na ang kanilang tinapos ay Nurisng at hindi Medicine. Sila ang mahilig mag-diagnose agad ng pasyente kahit hindi pa na-eexamine ng doctor. Kulang na lang sila na din ang gumawa ng orders dahil sa sobrang pagiging assumptionista nito!Ay teh, try mo mag KAPE - ng kabahan ka naman. Iba ang clinical eye ha, eto diagnose agad at pagsinabi nia na TB yan (kahit ubo lang) wala ng makakakontra sa kanya.
  • Toxic King & Queen: Asahan mong sa pagpasok pa lang o pagtapak ng nurse na toh sa area niyo, dadagsa na agad ang mga pasyente, admission at toxic cases. Sila ang madalas iwasan at sinisisi kapag fully booked ang census noong araw na yon. Kung ikaw ay pasok sa tulad nito, Ay teh/koya! magsimba at magdasal ka ng bongga, kailangan mo ng divine intervention!
  • Nurse Francia: Sa aking palagay, halos lahat tayo ay isang Nurse Francia (meaning Praning/Paranoid). Sila din ay pwedeng tawagin na "Hypochondriac" dahil ang isang simpleng UBO nagiging CANCER sa pakiramdam nila. Hindi naman masamang maging Francia pero kung Exag na -- magisip ka naman daba?!
  • Mamaru: "Mamarunong", ang mga nurse na may PHD na sa pagmamagaling at feeling alam ang lahat tuwing nagduduty. Ok sana kung nakakatulong pero dahil sa sobrang mamaru, pati ang trabaho mo naapektuhan. Irita-avila silang kasama tuwing duty at ginagawang career ang pagsulat ng IR (minsan ka join force ka pa). Imberna much!!!
  • MAC: MAC-apagmake-up wagas! Aakalain mong foundation day ng ospital sa sobrang plakado ng pes nito. Sila'y walang bahid ng "haggard" simula hanggang pagtapos ng shift. Mabenta sa panlasa ng pasyente, consultant at mga residente sa sobrang fresh niya. Para naman sa mga ombre (lalaki), dalawa lang yan kung MAC ka: Sumasamba ka sa patron ng mga Becky na si SANRIO o Metrosexual ka (isang metro na lang bakla na). Pero may iba VAIN lang daw (Chosera?!).
  • Dirty Harry and The Chamber of Kyawti: Sila ang mahilig tumanggap ng "Batang Dugyot" award tuwing duty. Hindi pa man toxic o nagisismula ang shift, mukha ng namasyente ng sobra-sobra dahil lapot na lapot na ang kanyang aura. Sila minsan ay napagkakamalang pasyente dahil sa hitsura ng mga toh. Piece of advice, magstress tabs ka at hindi naman pinagbabawal magayos basta wag kang magiging MAC.
  • SL Certified: SL - "Sick Leave" "Sobrang Late" Certified. Ang mga nurse na parang nagcocompletion ng mga cases nila sa pagabsent, pagkakasakit o di kaya late. Sila ay suki ng medical ceritifcate, taxi (dahil malalate na), at mabilis ang lakad kapag malapit ng magtime-in (buzzer beater). Sila din ang mga taong may ability malaman kung kelan sila magkakaroon ng sakit. Uhm, style mo bulok!
  • O.C: Hindi Obsessive-Compulsive kundi Over sa chikka!Ang mga nurse na walang ginawa boung duty kundi magkudaan, tsismisan o magkwentuhan. Sila ang nakakalimot na duty ang pinasok nila at hindi meeting. At dahil ginagawa nilang set ng Juicy ang duty nio, laging aligaga ang mga toh tuwing endorsement at wai knows sa kanilang pasyente.
  • Team Nga-Nga: Kung may bibong bongbong..may team Nga-nga naman! Ang mga nurse na mahilig ngumanga kapag hindi na alam ang gagawin. Minsan natutulala pa kapag na stock-up sila. Hindi naman  masamang magtanong pero kung wala ka ng alam gawin kundi ang magpa-Question and Answer portion,ay neng magenroll ka na lang ulit ng nursing...try mo welding baka match sayo...*ching!
  • Team Twilight: Nurse sa umaga, party people sa gabi! Walang pinipiling oras ang mga nurse na toh, kahit pagod galing duty hindi papaawat sa paginom at party ang mga taong uhaw sa alak. Sila ang madalas na pumapasok na masakit ang ulo at wala sa sarili dahil may hangover pa. Madalas, kabilang ang mga ito sa pagiging SL Cerified. Marami akong kilalang ganyan.Count me in!chos.
  • Flash Bomba: Ang mga nurse na kung magtrabaho ay napakabilis. Akala mo laging may bombang sasabog sa sobrang "bilis" nitong kumilos. Swabe, Masarap katrabaho at may presence of mind sila kung kaya marami ang gusto silang kawork.
  • Silent Hill: Ang mga nurse na laging tahimik at walang imik kapag duty pero wag ka, areglado ang lahat kapag tinignan mo ang gawa nila. Pwede din silang itulad sa  mga "patay na bata" pero mas havey naman katrabaho toh kesa naman sa makuda pero wala naman ginagawa. Ansha!
  • Bruno MARS: Tulad ng kanta ni Bruno Mars na lazy song (Today I don't feel like doing anything, I just wanna lay in my bed), ang mga nurse na hagip sa category na toh ay parang kinakarir na ata ang pagpapahinga lagi at parang ang bigat ng katawan tuwing duty. Mahilig silang maupo sa isang tabi,  nakatulala at sasabayan ng talak na "Pagod na ko" knowing na wala pa silang ginagawa. Ay MARS! hindi masamang tumulong, try mo?!
  • Chart Holder: Ang mga nurse na hindi nanawala sa kamay ang chart ng pasyente. Hindi mo alam kung minememorize ba nila ito na parang may quiz lang sila mamaya o ginagawang song hits para pagpilian ng kanta. Hindi masamang i-share ang chart sa mga ka-duty mo, baka gusto din nilang makita diba. ANg sakit mo sa bagang!
Ang listahan na ito ay base lamang sa mga nakasama, nakaworklalu at nakausap ko noong student, VN at staff nurse ako. Iba't iba man ang ugali natin, ang importante nasa puso ang pagiging isang nurse dahil we are dealing with life (so what's the deal?deal or no deal..chos). Sabi nga ni Anonymous, "When you're a nurse, you know that every day you will touch a life or a life will touch your"...ooooh-hhaaa...ansaveehh?!pak!

Feel free to leave a comment kung sa palagay mo may knows kapang type ng nurse na hindi nakasama na wagas kong listahan. Share your ideas...

9 comments:

Aika Tuazon said...

☺☑♡ Team Twilight.. :)

Rain.Posh said...

ay ako din...hehehe...=D

Anonymous said...

e anu type ka jan bloggger?? ganda

Rain.Posh said...

uhm...MAC cguro ako...wit ko keri ung dirty harry and the chamber of kyawti

Anonymous said...

super like ko yung TEAM TWILIGHT! alala ko 1 tym after ng duty naten nakarating pa yata tyo sa Pque????? layo teh! tapos hanggang inabutan na tyo ng bagyo sa daan! hahaha! pero d nama tyo kasali sa SL team! hihihi! supah like ur blog! ur so witty!

dianesheryll said...

e saan mo naman ika-categorize yung takaw away sa relatives ng mga patients o di kaya ng mga patients mismo,hehehe!

Anonymous said...

suggest ko lang po: team gabriela/diego silang: mga nurses na handang sumagot o mag oppose sa mga relatives o patients na pasaway. wit paki kung mapatawag sa admin o maireklamo. mga hindi paaapi.war kung war!

Anonymous said...

suggest ko lang po: team gabriela/diego silang: mga nurses na handang sumagot o mag oppose sa mga relatives o patients na pasaway. wit paki kung mapatawag ng mga kinauukulan o maireklamo. mga hindi paaapi.war kung war!

Rain.Posh said...

@Anonymous January 27, 2012 2:56 AM
Ay kering-keri naman noh!pasok na pasok hindi lang sa bangga pati na din sa baul!Ang lakas makahimagsikan niyan ha...hehehe...tnx =D