Friday, January 27, 2012

DEAR ATE BECKY: Sulat Mula kay "Lil' Miss LOW SELF-ESTEEM"



Nandito na ang inyong ATE BECKY...Fresh na Fresh para sa ating unang letter sender!!! (Thank you so much!) I-shogo na lang natin sya sa name-sung na, "Lil' Miss Low Self-Esteem"

Dear Ate Becky, 
I have been a fan nung nabasa ko yung Horoscope blog mo, from then on, I decided to follow every post. Ngayong may 'Dear Ate Becky' ka na, I would just like to ask, paano ko ba itataas ang mababa kong self esteem? Yung bf ko kasi, panay sipat sa magagandang girls kahit magkasama kame. He seldom compliment my looks pero kapag sa ibang gurlaloo napaka galing niya mambola. He often find flaws sa sarili ko na parang malaki ung legs mo? Maitim kutis mo, malaki noo mo, parang tumataba ka and a lot more. Ngayon, tama ba ang dahilan ng low self esteem ko or should I bounce back to the old, confident me? If yes, paano naman Ate Becky? Thank you! 


Una sa lahat, Maraming salamat Lil' Miss Low Self Esteem sa pagsulat mo sa akin. By the power of grayskull, i will do my best para mabigyan ka ng palong-palo na kasagutan!

According to my vibrations, ang problema mo is basically about having LOW SELF-ESTEEM dahil sa:
  • Lagi kang okray sa paningin ng Jowa mo at wit nya napapansin ang wagas mong kagandahan. Pero pagdating sa ibang merly, havey na havey ang kanyang mga papuri. (Wow ha! i'm assuming na B.Y (gwapo) si boylet kasi makatalak parang close to perfect masyado)
Ganitechi lang yan marse, gaano mo ba kakilala ang jowa mo personally? Kasi malay mo kung talagang mapangasar lang sya at ginagamit niyang tactic un para maging "sweet" sya sayo. Minsan kasi, ung ibang ombre ganyan ang ginagawa para magpapansin (masaklap man tanggapin pero trulili yan!). Marami akong kakilalang magjowa (even me) na kung magbalahuraan eh kala mo boung pagkatao nila ay produkto ng "mali" but by the end of the day, LOVE NA LOVE PARIN NILA ANG ISA'T ISA. Diba sabi nga, ung mga imperfections mo talaga ang minamahal ng jowa mo dahil sa paraang un napapakita na tanggap  ka niya maging Zino Ka MEN.


But wait there's more: 
Para naman sa jowa mo, wai naman mali  kung may konting "admiration" siya sa ibang merly other than you basta dapat ipa-feel din nya sayo na IKAW PARIN ANG DYOSANG BUMABA SA LUPA PARA PATIBUKIN ANG PUSO NYA. Pero ung mambola sa ibang girls,ibang usapan na yan! Hoy lalake! Iba ang "Mampuri sa Manlandi", there's a gap between Admiring someone because of something magnificent to her and Admiring someone coz your angry bird agrees with your thoughts (napa-jinglish akis! Sakit sa bagang ha!) Mas maganda kung magusap kayo kung hindi mo na matagalan ung sobrang pagpuna niya sayo. Alam kong ang awkward simulan kasi medyo petty pero remember "Maaring lumaki ang isang bagay na dati'y maliit -nagmamahal, Etits...chos"

At ang tanong mo naman eh:
  • Paano ko itataas ang low self-esteem ko?
Teh, Everything will start to YOU. Embrace your imperfections and dapat alam mo sa sarili mong maganda ka (kahit jomo-jopay ang hita mo, tuma-tyra banks ang noo mo at kumi-kirara ang kulay mo) kasi walang ibang magtataas ng confidence level mo kundi ang tatlong tao na malapit sayo: Si ME, MYSELF & I. 


Kahit sabihan ka pa ng jowa mo na "beh, you look hot" pero kung ikaw hindi mo finifeel un, wala din. "You have to be comfortable with your own skin" ika-nga. Syempre wag naman ung masayadong feelingera ka ha...dapat ung sakto lang. (Ang ganda ko, care nyo?! *sabay hagod sa bangs)
  • Tama ba ang dahilan ng emote mo ngaun? (Low- self-esteem issue)
Ay mare isang malaking HINDI! Kung patuloy kang magpapakain sa insecurities mo, neng ngaun pa lang sinasabihan na kitang magstay ka na lang sa bahay at maglaro ng tetris battle! Kasi wala din sense kung paglalabas ka, lagi ung puna ng tao or ni jowa ang dadamdamin mo. Minsan healthy na makinig sa critics pero kung over naman ang pagiging sensitive mo sa mga ganyan, ikaw din sa sarili mo ang mahihirapan.


Ang tanong ko din, seryoso ba si jowa kung inookray ka nya? half meant ba? in public ba? kasi kong OO, kausapin mo si jowa mo heart to heart and sabihin mo sa kanya na medyo naiirita ka kapag napapansin ung ganito mo, ung ganyan mo...alam mo na yun...baka naman kasi kapag sinasabi ng jowa mo ung mga okray nya, tawa ka pa ng tawa kaya akala niya cguro ok lang sayo un. Be open, communicate well and eto lang yan mare, tandaan mo na minahal ka ng jowa mo dahil sa kung sino ka at hindi dahil sa hitsura mo. Diba mas magandang madinig na, "I love you beh for who you are and how you made me feel special" Kesa sa "I love you beh kasi ur super hot and you make me feel horny" (Bold star lang ang peg?!)
  • Kailangan mo bang magbounce back sa pagiging confident sa sarili at paano toh gagawin? (Tommah ba?)
Yes! Magbalik loob ka sa confident girl society of the philippines! Itanong mo toh sa sarili mo, kung ipagpapatuloy mo ba yang drama mo magiging healthy ba yan para sa personal growth and development mo bilang isang dyosang bumaba sa langit? Hello teh?! Hindi masamang magisip, libre yan!


Para naman i-boost ang confidence level mo: Marami naman mga articles, magazines, and videos na makakatulong sayo. Basta ang una mong gawin, "Mahalin mo ang mga di kagandahan sayo". 


Ang importante: naliligo ka araw-araw, nagpapafresh ka, at hindi mo pinapabayaan ang sarili mo. Gawin mo toh hindi lamang para sa jowa mo or sa madlang utaw kundi PARA SA SARILI MO. Pucha teh, ang ganda mo nga, sexy ka...*Taena may PUTOK ka naman...wala din diba. 


Kung trip talaga ng jowa mo na mampuna, e di ganun din ang gawin mo sa kanya. Makipag-play time ka sa kanya. Tutal naman ganun ang trip nya eh di makijoin ka! Siguro naman may mga bagay ka din na napapansin sa kanya diba. Basta ang ruling, Walang pikunan! Kundi walang BABY! CHOS =D


At ang pinakaimportante sa lahat, ang gasgas na paniniwala pero wagas ay: "WHAT IS BEAUTY IF YOUR ATTITUDE IS KYAWTI". Minahal ka ng jowa mo hindi lang sa pysikal na aspeto pero dahil din sa boung pagkatao mo! (paulit-ulit...parrot?)
Smile girl and be confident!


Dahil sabi nga ni Ate Sarah G.,
"Ako'y tiwala sayo!" (Anong connect?!...wahahaha)



Chumuchurva,

Ate Becky


At dahil ikaw ang unang letter sender ko, kindly email me your cellphone number (syempre using the same email add. ha) para matanggap mo ang P100 worth of load from your Ate becky!


At sa iba, Ano beh!? wag na mahiya...wag na magdalawang-isip...sulat na kay DEAR ATE BECKY at rain.posh@yahoo.com Malay mo mabetan ko ang kwento mo at makatanggap ng kabuhayan showcase...chos!



P.S 
Please leave a comment or additional advice para kay Lil Miss Low Self-Esteem kung may maitutulong ka pa!


4 comments:

Baby said...

Ankuleeeet mo!

Rain.Posh said...

@baby , Ansaveeh?!hehehe.Salamat.bet ko yan. =D

deekei said...

Nice sir rain! Napaka talented mo.. Full of sense ang mga advise and may kasama pang humor.

Dahil dyan.. Fan na din ako.haha
Godbless

#DK#

Rain.Posh said...

@deekei,maraming salamat ng bongga!nakakataba ng boobs.ipakalat na ang mabuting balita. =D