Sunday, January 22, 2012

2012 Chinese Zodiac Horoscope (Wai-Ansha Edition)


Kung Hei fat Choi biboy tikoy!

For sure, lahat ng madlang utaw ay super excited malaman ang kanilang kapalaran sa taong 2012 (Year of the Dragon). Ang mga sumusunod na prediksyon ay 100% reliable at true---depende sa lebel ng iyong pagiisip. Gora na at basahin!pak!


  • Dragon - Dahil taon mo ang 2012, bubuhos ang swerte sayo. Humanda ka sa pagulan ng pera, yun nga lang barya. Wag magpanic dahil sa katapusan ng taon gold bars naman ang babagsak sayo. Good luck sa pagsalo!
  • Pig - Sa pagpasok ng taon, iwasan ang magsuot ng PINK kung ayaw mapagkamalang karakter sa Dragonball. Lumayo din sa kulay LIGHT GREEN para makaiwas mabato ng mga ibon. Sa mga oras na ikaw ay minamalas, sabihin lang ang orasyong "BA-BE-BU-BE-BOINK" *poof  Ikaw na si super boink!
  • Monkey - Ingatan ang iyong kalusugan dahil magiging sakitin ka ngayong taon. Umiwas sa maitim na babaeng naka-apple cut full bangs ang buhok, naka-purple na damit, at may backpack na dala-dala. Isasama ka nya lagi sa mga lakwatcha na syang magdadala sayo ng sakit. (Beckpeck!...Beckpeck!)
  • Horse - Pagisipang mabuti ang mga gagawing desisyon sa iyong career. Mahirap ng matalo sa Santa Ana baka wala ng tumaya sayo. Palitan mo ang iyong pangalan ng Wind Blown o Silver Stone at tiyak maraming pupusta sayo.
  • Snake - Mananatiling "Down to earth" ka sa taong ito, na sayang magbubukas ng pintuan sa langit para sa mga "AHAS" na katulad mo!
  • Sheep - Magiging maswerte ka sa negosyo ngayon. Basta kapag may nagtanong sayo ng "Have you any wool?" ang lagi mong isasagot ay "Yes sir,Yes sir, three bags full".
  • Rabbit - Maraming pintuan ang magbubukas sa iyo ngayong 2012. Lagi mo lang tandaan ang mga sinyales na: "Always keep the door close when entering" at "Authorized person only". Lagi ding magdala ng I.D kasi minsan "NO I.D, NO ENTRY"
  • Ox - Magiging maganda ang iyong kalusugan ngayong taon, pasalamat ka sa laki ng butas ng ilong mo (nakakahinga ka ng maayos). Ingatan din ang mga plano sa buhay kung ayaw mong "Langawin" ka ng tuluyan. 
  • Dog - Masalimuot ang unang bahagi ng 2012 sayo, Hangga't maari umiwas sa mga becky. Sumpa ka kung maituturing dahil salot ka sa mga booking at pagaura nila sa mga kalalakihan.Shoo!Shoo!Shoo (Bekinese: DOG/ASO meaning "Babae")
  • Rat - Magandang taon ito para mabuntis. Ang iyong iluluwal ay dapat mong pangalanan na "Dodi". Eto lamang ang tanging paraan para lumapit sayo ang swerte...wala kang choice, gawin mo na lang.
  • Rooster - Sa mga beking ipinanganak sa year of the rooster, maari kang magbuntis ngayong taon. Magluluwal ka ng kambal ngunit kailangan mo itong limliman dahil itlog itong lalabas sayo. Pangalanan mo silang "Big Bird" at "Koko-Kwik-Kwak" para dumaloy ang swerte. Kapag ito'y hindi nasunod, wala ka ng booking bukas. No choice ka din.
  • Tiger - Magiging malapit ka sa mga matatanda at masasakit ang katawan. Dadaigin mo na ang salonpas at white flower sa taong ito. Ang matindi mong halimuyak ang syang magdadala sayo sa rurok ng tagumpay.
Swerte ka man o hindi ngayong 2012, tuloy parin ang daloy ng buhay mga ate/kuya. Sabi nga ni kumareng Zenaida Zeba "Hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin, gabay lamang sila. Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito...magbabalik po ang umagang kay ganda".*Applause.

3 comments:

Anonymous said...

pak na pak. clap clap clap... galing mo tlaga te!!

Anonymous said...

isa na kong faney mo.....cant wait for your next post..=)

Rain.Posh said...

Maraming salamat!