Monday, January 30, 2012

DEAR ATE BECKY: Feb-IBIG


Haayyy!
Feb-IBIG na!
(Paniguradong in-demand na naman ang mga Mot-Mot nitey!)
(Chos!)

Dahil it's the Love Month,
Nandito si Ate Becky para magbigay ng mga
Love Advice 
At handang sagutin ang mga
Heartaches niyo!

Wag ka ng kim-chiu dyan at isend na ang iyong
Love problems,
i-share ang best love experiences mo,
At mga katanungang LAB-nat sa:
rain.posh@yahoo.com

Gawin nating Love.love.love
ang buwan ng Feb-Ibig
Dito lang sa RainTalks...

Chumuchurva,
Ate Becky 

ANNEBISYOSA: No Other Concert

(Video 1)


(Video 2 -Better Audio)

Ang sabi ko nga: "Ligawan lang ako ni Anne Curtis, Pucha! Bukas na Bukas...Lalake na ko! (Asa much?!)

"Dreams do come true" yan ang kuda ng nagiisang dyosa sa kanyang mega-galactic successful concert sa Smart Araneta last January 28 entitled Annebisyosa: No other concert The World tour (world tour agad diba?!)

Sabi nga ng ibang "recording artist" na minsan  na ding nagconcert sa Big dome, todo ang effort nila mapuno lang ang araneta (partida pa yan ha, sila may God given voice na!) pero si Anne...boom...EFFORTLESS! Di mahulugan ng chenelyn sa sobrang dami ng madlang-utaw na nagbigay supporta sa kanyang talent/frustration!

Ito ang isa sa mga magagandang eksena during her concert at syempre mawawala ba ang ever close niyang si VICE GANDA!

Spoiler Alert: Hindi niyo kakayanin ang mga susunod na eksena..."Show me what you got?!" ang labanan ng dalawa...enjoy!

Sunday, January 29, 2012

The Becky Club I: Are you ONE of us?


Paminta (Adj.) 
Someone who keeps his "gayness" a secret to people.
Synonyms: Peppermint, Pamin, Closeta, Cabin Queen, Shuminta, Pamintuan Mirasol, Bulalo

Sa panahon ngayon, napakahirap i-differentiate kung sino ang tunay na ADAN sa isang ADArNa.

Aminin mo, NGAYON: Kung sino pa ang maituturing na ULAM sa paningin (kanin please!) at  MASARAP kainin ay siya pang kasapi ng pederasyong naghahanapin din ng hanap mo!

At kung sino naman ang nakakapuwing sa mata at di gaano kaaliwalas ang hitsura, sya pa ang straight at barakong-barako (imberna!). Life is UNFAIR talaga (Chos!)

Nakakabuyaw man isipin pero yan ang katotohanan ngayon, wala ng straight kundi RULER. (Hindi din?! May ruler nga na may curve daba..ching!)

Kung kaya ito ang isang munting "Pointers To Remember" para ma-knows mo kung ang isang otoko ay pasok sa sinasabing most common ingredient ng taon :
"Ang Paminta".

1. The Playlist
Kapag ang playlist ng lolo mo ay puno ng Lady gaga, Britney, Beyonce, Rihanna or Techno na fumafly away ang aura...kabahan ka na - Pwedeng becky sya! Hindi ko naman sinasabi na bawal makinig ang mga lalaki ng mga ganun na kanta, ok lang naman! Pero kung halos 90% ng Ipod memory niya eh kinakain ng mga makapilantik na Zongz...iba na yan teh!. Eto na lang ang tanong ko: sa tingin mo ba ung kuya mo maririnig mong kumakanta ng "Run the world", "We found love", o di kaya "Bad romance" habang naliligo sa banyo? Watchatink?!

2. "Teh" ang itawag mo sakin
Gusto mo ba ng isang masayang laro? Basta proper timing at convincing powers lang ang kailangan mo para mabigyan ito ng justice. Gagawin mo toh habang busy sya o di kaya nakatalikod. Kapag na feel mo na ang  tamang moment, bigla kang sumigaw ng "TEH". Kung nagmega-galactic lingon sya at sinabayan ng facial expression na parang gulat at nagsasabing "Shyet! Bakit ako lumingon"..pak! Moon crystal power make-up! Postitve! Pero kung hindi naman sya lumingon, "better luck next time" and "please try again later" ang drama mo.

Hindi ko sinasabi na 100% reliable ang success rate nito ha at probability na malalaman mong becky sya. Isang munting aliwan game lang toh para makita kong responsive ba sya kapag TEH ang tawag sa kanya! (Uy, susubukan niya yan!hehehe) 

3. Pre, Gym lang ako.
Naku! Ang pinakamatinding camouflage ng mga shuminta ...ANG PAGPASOK SA GYM. Marami na akong nakita at nakilala na mga pamintuang (BORTA) naglalakihan ang katawan at putok na putok ang mga muscles. Waley naman masama kung talagang health conscious si kumare mo pero kung ang isang lalaki ay laging laman ng gym at waley namen transform ang katawang lupa niya...hmmm...malamang additional benefits ng gym ang hanap niyan: Ang maka-aura sa locker room at makasipat /makahuli ng maramng angry birds. Achievement na kung si "Big Bird" ang magetching niya!

4. Ipilit mo, Big Voice mo!
Isa sa mga pinaka-obvious na mapapansin mo sa mga lalaking shuminta eh ang kanilang boses na pilit nilang pinapalaki. Mahilig din silang gumamit ng mga salitang "DUDE" at "PARE" sa lahat ng simula ng sentence nila na parang unlimited rice lang sa Mang Inasal. May pagka-"Conyotic" at "Brace" accent ang tono ng kanilang voice para mas ma-achieve ang pagpapanggap. Hindi din 100% reliable toh ha! Kasi may mga malalaking bulas at super B.Y na boys na kapag kinausap mo pucha! kulang na lang tanungin mo sya, "Tweety bird is that you!?" sa sobrang boses keps...(*Zigh) Tunay nga na hindi binibigay ng Diyos ang lahat sa isang tao. (Amen?!)

5. The Moves
Minsan sa galaw pa lang huli mo na! Sa hampas ng bewang, pagsway ng kamay at pagupo ng bonggang-bongga...madadama mo na kung CONFYIRM ang chikka! Pero sa kasamaang palad habang tumatagal ang panahon...patigas na ng patigas ang bawat kilos ng mga peppermint ngayon kung kaya dapat alerto ka 24 oras kung gusto mo talaga ma-knows ang pagiging markova niya. Piece of advice, kung talagang despirada/despirado ka malaman kung siya ba si Pamintuan Mirasol...lasingin mo sya! Diba sabi nga, lumalabas ang tunay na kulay kapag naka-jinom na!*BOOM...DARNA!

6. Aura Much?!
May mga pamintang kuda ng kuda na lalaki talaga sila pero kung i-changky-check mo ang kanilang DP, profile pic o albums sa mga social newtworking sites...lalantad sayo ang HUBAD na katotohanan at BAKAT NA BAKAT na eksena sa mga posing niya. Mas "Fierce" pa siya kay beyonce kung maka-aura na parang nagsasabi: "Want my delicious body...add me".

Ulit, waley akong kuda na bawal maghubad ang mga lalaki sa profile pic pero kung halos gawin niyang tabloyd ang Facebook albums niya...naku aura lang yan! Pasok sa V! Lalo na kung ahit ang kilay, may kili-kili picture pose o di kaya naka- bench na underwear na ginagawang swimming tranks?! Naku! Wag ako...please.

Cge nga, try niyo bilangin sa friend's list niyo ang mga lalaking HINDI naka- "FierceJubad" pose at ang mga lalaking naka-FierceJubad pose. I-tally , compare and see the results. Hers's the question: Sino ang malimit naka-pose ng FierceJubad? Si Kuya o Isang pinaghihinalaang Pamintuan Mirasol?

7. Kikay V.S Vain
May iba naman sinasabi na "Ano ka ba! Vain lang ako talaga" o di kaya "Ako becky?(tsk) hello gusto ko lang maging presentable syempre". Cge lusot ka na, ikaw na ang lalakeng ubod ng linis at sunod na sa alcohol sa pagiging 100% germ free.

Pero kung ang lalaking "vain" ay makikitaan mo ng concealer, lip balm, lip gloss, at ang pinakaimportante sa lahat...ang FACEPOWDER...shyet!Iba na yan. Eto tandaan mo: Kapag vain talaga si lalaki, ang bet lang nyan magmukha malinis at mabango sa paningin ng mga tao. Minsan wala talaga silang kikay kit (keri na sa kanila ung pagsalpak na lang nito sa kanyang bag) at kung meron man, loose powder, cologne at toothbrush lang ang laman nito (unless kung nagaartista ang level niyan at kailangan talaga ng full blast na makeup set). Pero kapag si ate GUY kuntodo sa kikay kit, plakado ang pes sa kapal ng foundation (inauguration teh?!) at ang goal niya ay magiging "Fresh face ng taon ng bonggang-bongga"...naku...I CAN SMELL YOU! Na ha-ha-CHING ako sayo dai!

Pagdating naman sa FASHION, ang malimit na get-up ng mga pamintuan ay ang mga sumusunod: Super mega-galactic body fit na shirt, Ultra-Skinny jeans, fashionable-sense sa choice ng shoes, ma-emote na hairstyle at syempre mawawala ba ang aurang fresh na fresh mula ulo hanggang pas...PAK!CONFYIRM!

Ulit, wala akong sinasabi na bawal maging fashionista ang mga guys pero kung sobrang conscious naman sila sa matching at combination ng mga telang suot nila, parang iba na ata yun? Tandaan, almost lahat ng mga tunay na lalake ay walang pakialam kung ano ang suot nila kapag lumalabas. Ok fine, ipasok na natin ung pagiging "Metrosexual". Pero cge nga ilang metro sexual ang alam mong straight? Diba bilang lang sa daliri mo? Kasi nga ang metro sexual is another term na nagsasabing "isang metro na lang...becky na"!GET IT?!

8. Sing-ala-Diva
May mga nagsasabi na straight daw sila pero pagdating sa kantahan hindi magpapa-kabog! Kapag ang lalaki ay masyadong memorize ang mga kanta nila Mariah, Whitney at kung sino pang diva dyan...naku! isa din yang DIVA! Lalo na kung bawat kulot at taas ng NOTA sa kanta ni kumareng Regine eh F na F niya, hindi ko na kailangan sabihin pa, alam mo na yan!

Minsan ang laging trip nilang gawin sa videoke eh ang pagkanta ng "Wherever you will go" para lalakeng-lalake ang arrive tapos kapag napapasarap na  ang kantahan, bibirit na yan ng kanyang mga wagas na "diva-song" choices...yun nga lang its either: gagawin niyang male version ang "kailangan ko'y ikaw" o magfafalceto  siya habang sumi-sing ng "through the rain". I doubt na mag-falceto yan, eh di na Julibega nio sya!

9.Chic-Flix fanatic
Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ibabaw, wala pa ata akong naririnig o nakikitang grupo ng mga ombre na nagkwe-kwentuhan about sa galing ng acting ni Mandy Moore sa "A walk to remember" o ang matinding drama sa ending ng "The Notebook". Kapag ang isang lalaki ay masyadong attached sa chic-flix at favorite manood ng America's Next Top Model...Pakshyet! bet talaga niya yan...bet niyang gayahin!ching*
Minsan mapapaisip ka na lang talaga at matatanong sa iyong sarili, "Kapag ang isang lalaki masyadong mahilig sa chic-flix, maari kayang isang CHIC din sya?"

10. PUERTO GALERA Here i come!
Kapag ang lalaking officemate mo ay mahilig magpunta sa puerto galera lalo na tuwing "Holy week"...Naku-snaku! Alam na ang aura ng lolo mo. Kaya naman nasabi kong puerto galera dahil ito'y kinoconsider na favorite island destination ng mga beckylings para makahanap ng 100% pure aura at enjoyment. Aside sa mas mura toh compared sa Bora, padami na ng padami ang nagpupunta dito kada-taon na parang may nagaganap na population explosion sa mga becky. Kung kaya madami din ang nagsasabi, "Pucha, sa puerto galera!hindi mo na alam kung sino ang straight dun. Lalo na kapag sumapit ang dilim, He-Man meets Iron Man!".

Ilan lamang ito sa mga pwedeng makatulong para malaman mo kung si KUYA ay isang ATE pala talaga.  Hindi naman ibig sabihin na kapag meron syang ISA sa mga nasabi - becky na sya agad. Syempre kung maka-lima keri na!chos! Basta mararamdaman mo naman yan eh, lakasan mo lang ang GAYDAR powers mo!

Gusto ko lang linawin, i have nothing against SHUMINTAS OR PAMINTAS, its their own choice and prerogative! I just feel so sad sa mga may ganitong status kasi hindi nila fully maspread ang kanilang wings gaya ng isang Butterfly at napipilitan silang manatiling isang HIGAD (caterpillar) sa mahabang panahon. Kaya ang kakati eh...chos!?

Hindi naman importante kung boy, girl, bakla, tomboy, (butki, baboy o unggoy) ka. Ang mahalaga: Alam mo ang salitang RESPETO at pinapractice mo ang GMRC sa kapwa mo. Maaring may mga munting dahilan kung bakit ang isang becky pinipiling itago ang kanilang inner beauty queen(ako na mismo ang magsasabing mahirap iyon gawin) at gugustuhin na lang tawaging PAMINTA. Basta ang importante, Mahalin natin sila ng walang pagaalinlangan dahil lahat tayo ay ginawa at nagmula sa pagmamahal ni Papa God diba?!

Sabi nga ng isang sikat na sikat na writer na si "Anonymous",
"Let me live my life as I want, for at its end it is I who must die." (Wag kang slow, K?hehehe!)

Kung sa palagay mo na may nakalimutan pa akong mga signs & tips para mas mahusay nating madurog ang  paminta,

I-COMMENT MO NA YAN! It's your time to shine mga friends!KABOOM!

Friday, January 27, 2012

DEAR ATE BECKY: Sulat Mula kay "Lil' Miss LOW SELF-ESTEEM"



Nandito na ang inyong ATE BECKY...Fresh na Fresh para sa ating unang letter sender!!! (Thank you so much!) I-shogo na lang natin sya sa name-sung na, "Lil' Miss Low Self-Esteem"

Dear Ate Becky, 
I have been a fan nung nabasa ko yung Horoscope blog mo, from then on, I decided to follow every post. Ngayong may 'Dear Ate Becky' ka na, I would just like to ask, paano ko ba itataas ang mababa kong self esteem? Yung bf ko kasi, panay sipat sa magagandang girls kahit magkasama kame. He seldom compliment my looks pero kapag sa ibang gurlaloo napaka galing niya mambola. He often find flaws sa sarili ko na parang malaki ung legs mo? Maitim kutis mo, malaki noo mo, parang tumataba ka and a lot more. Ngayon, tama ba ang dahilan ng low self esteem ko or should I bounce back to the old, confident me? If yes, paano naman Ate Becky? Thank you! 

Wednesday, January 25, 2012

Introducing: Ate BECKY


Ikaw ba ay may gustong i-share na 
Problema, 
Experiences, 
Mga tanong na hinahanapan mo ng kasagutan 
(kahit ano pa yan sa nursing man, kabeckyhan, love, buhay, lahat-lahat na),
O Di kaya trip mo lang mang-ULOL...

Don't worry,
Nandito na si ATE BECKY...
Handang sumagot at magreact sa lahat ng mga eksena mo sa LIFE
Dahil alam ko na ang BUHAY ay parang BATO,
ITS HARD! 
So Let's make it SOFT.

Mag-email lang sa 
rain.posh@yahoo.com
Basta simulan mo ang sulat mo ng:
DEAR ATE BECKY

Wag kang kape,
Super safe ang kwento mo sakin
May confidentiality naman toh noh.

So ano pa inaantay mo,
WAG KANG BUNGOL
IKUDA MO NA YAN KAY ATE BECKY
Malay mo, ako lang pala ang kailangan mo para sa
Excess Baggage mo!Pak!

Tuesday, January 24, 2012

What type of Nurse are you?

(Dahil isa akong nurse, maganda lang naman siguro kung magpost ako ng something sa field ko diba) 

Sa mundo ni Madam Nightingale, Iba't ibang Nurse ang ating nakakasama sa isang shift o duty. Alamin at hanapin ang mga possibleng itawag sa ugali ng mga co-nurses mo at malay mo makita mo din ang pedeng itawag sayo!

Sunday, January 22, 2012

2012 Chinese Zodiac Horoscope (Wai-Ansha Edition)


Kung Hei fat Choi biboy tikoy!

For sure, lahat ng madlang utaw ay super excited malaman ang kanilang kapalaran sa taong 2012 (Year of the Dragon). Ang mga sumusunod na prediksyon ay 100% reliable at true---depende sa lebel ng iyong pagiisip. Gora na at basahin!pak!

“Ang Unang Kuda…Whaaaa”



Kuda - (v) to articulate; to give expression in words
Synonyms:  spluk, talak, bera, chika , hanashi

Walang tao na kayang hindi magsalita sa loob ng isang araw (true yan…echoserang palaka ka…unless na lang kung pang-Guinness ang aura nia) dahil kung hindi ka man makapagsalita eto lang yan:

  • Wala ka sa sarili, may bonggang karamdaman o may pinagdadaanan (bigat lang teh?!)
  • Comatose” (steady bangs?!)
  • Pinaglalamayan ka na sa funenaria paz (sagot ko na ang biskwit at kape)

-Pipi nga kahit sounds nakakapagproduce eh ikaw pa kaya.
-Ung ngo-ngo nga nakakakuda kahit puro nga at ngo ang simula ng syllables nila.

Hindi maaring matapos ang isang araw na hindi mo binubuka ang bibig mo kasi kapag hindi mo toh ginawa asahan mong nakakapuwing na ang hininga mo at kailangan mo ng magtoothbrush (ang sakit sa mata). Nandyan din papasok ang eksenang joke na “Alam ko na ang almusal mo knina, Erna noh?!Umamin ka” (nge!)

May sense man o wala, nagsalita ka parin — it’s human nature ika nga.